LESSON PLAN IN AP 8


MALA MASUSING BANGHAY ARALIN        
SA ARALING PANLIPUNAN 8
12:00 – 12:45 N.U.

___________________________                                            IKA-30 NG HULYO TAONG 2019
             Guro                                                                                                    Petsa

Content Standard: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pinagmulan ng sinaunang kabihasnan.ng daigdig.
Performance Standard: Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa, proyekto sa antas ng komunidad at bansa na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan, at kaunlaran.

Learning Competencies:
1.      Nasusuri ang mga dahilan ng pag-usbong ng sinaunang kabihasnan

I.             LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a.       Natutukoy ang iba’t ibang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig.
b.      Naipapaliwanag ang kontribusyon ng katangiang heograpikal sa pag-usbong ng kabihasnan.

II.            PAKSANG ARALIN

a.       Paksa: Mga Sinaunang  Kabihasnan sa Daigdig
b.      Sanggunian: Kasaysayan Ng Daigdig
c.       Kagamitan: Pictures, Pentelpen, Cartolina
d.      Pagpapahalaga: Pagiging Malikhain
III.          PAMAMARAAN

a.       Panalangin
b.      Pagbati
c.       Pagtala ng lumiban
d.      Rebyu

A.    Motivation

                       Punan ang Pagkukulang !

            Panuto: Masdan ang mga konseptong nakasulat sa ibaba. Tukuyin ang nag-iisang salita na tumutukoy sa lahat ng konsepto.

                                                            __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
                                                                             


 






B.    Lesson  Proper
Pagtalakay  sa Paksa
 Ito ang mga importanteng konsepto o pangyayari na  tumatalakay sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
o   Impluwensya ng Heograpiya sa Pag-unlad ng Mga Sinaunang Kabihasnan           
o   Ang kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
o   Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya
o   Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya.
o   Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa
o   Ang kabihasnan sa Mesoamerica

C.    Generalization

o   Ano – anong katangiang piskal  ng  mga sinaunang  kabihasnan  ang  may pagkakatulad sa isat-isa?
o   Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig ng isang lugar sa pagtataguyod ng kabihasnan?
o   Alin sa kalagayang heograpikal ng kabihasnan ang mga malaking impluwensya sa pamumuhay ng mga taong naninirahan dito? Ipaliwanag ang sagot.

D.    Application
Activity: “ Hands in the Air”
·         Ang lahat ng estudyante ay kasali.
·         Ang bawat isa ay magtataas lamang ng senyales kung ang  binasang pahayag ay totoo o haka haka lamang.
              Pahayag:
1.      Ang salitang Mesopotamia  ay nagmula sa salitang Griyego na “meso” o dulo at “potamos” o maliit. Sagot: Haka-Haka
2.      Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lamabak ng  Indus ang pinakabagong tuklas  na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Sagot: Totoo
3.      Ang Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Sagot: Totoo
4.      Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig.
Sagot: Totoo
5.      Ang China noon pa mang unang panahon ay kilala na bilang “The gift of Nile”. Sagot: Haka- Haka
IV- EVALUATION
                        Maikling Pagsusulit
            Panuto: Isulat lamang ang tamang sagot sa sagutang papel.
1.      Ito ay isang paarkong  matabang lupain  nagsisimula sa Persian Gulf  hanggang  sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea Sagot: Fertile Crescent.
2.      Dito nagsimula ang kabihasnan sa India
 Sagot: Indus River
3.      Ito ang pinakamatandang kabihasnan nanatili sa  buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Sagot: Kabihasnag Tsino
4.      Ito ang  kabihasnang umusbong  sa lambak ng Nile river.Sagot: Kabihasnan ng Africa
5.      Ang kauna-unahang  kabihasnang umusbong sa America noong ika- 13 sigloB.C.E.
Sagot: Ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico.


V- ASSIGNMENT
                        Magsaliksik tungkol sa mga lungsod - estado ng Sumer, at mga itinatag na imperyo ng   Akkad, Babylonia, Assyria, at Chaldea. Isulat ang nasaliksik sa inyong kwaderno.


Inhihanda ni :

     __________________________
       AP8 – Guro




                                                            Inihanda para kay:
                                                           
                                                          _________________________
                                                             Principal



















Comments

Popular posts from this blog